*Ang “Direct to Bank Account” service ay hindi available sa ibang Western Union Agent locations. Please contact to Customer Service Center for available Agent locations.
Maaari nang magpadala ng money remittance mula sa kahit saan mang sangay ng Western Union® patungo sa Bank Account sa 52 bansa kabilang na rito ang PHILIPPINES, Australia, Brazil, China, India, Indonesia, Pakistan, Thailand, the United States of America at iba pang mga bansa.
WESTERN UNION® "DIRECT TO BANK" SERVICE AGENT LOCATION
Mas mabilis, mapagkakatiwalaan, at convenient para sa inyong beneficiary na matanggap ang iyong ipinadalang pera dahil diretso itong papasok sa kanyang bank account. Sa napakamurang halaga na hindi hihigit sa ¥2,000 na transfer fee*1 ay makapagpapadala na ng hanggang 1 milyon yen (¥1,000,000). Ang pera ay ipadadala mula sa Western Union® Agent location at diretso itong papasok sa bank account ng beneficiary, kaya naman ang perang ipinadala, napaka bilis at napakadaling matatanggap ng inyong mga mahal sa buhay.
Mabilis, Madali at Maaasahang Paraan nang Pagpapadala ng Pera sa Ibang Bansa
Mayroong 500,000 Agent locations sa higit na 200 bansa at teritoryo at may ipinagmamalaking 160 taon na kasaysayan ng maayos na serbisyo. Ang Western Union ay pinagkakatiwalaan ng milyon-milyong katao sa buong mundo na nais magpadala o tumanggap ng pera mula sa ibang bansa. Tumutulong ang Western Union na panatilihing konektado ang bawat pamilya sa paraan ng pagpapadala ng perang inyong pinaghirapan para sa mga mahal sa buhay saan man sa mundo. Maging ito man ay para sa pagpapagamot, edukasyon, o pang araw-araw na gastusin, ang Western Union ay nagbibigay ang mabilis, maginhawa at maaasahang money transfer service upang mabilis na makarating ang inyong padala sa inyong pamilya.
7 PARAAN UPANG MAKUMPLETO ANG PAGPAPADALA NG PERA SA BANK ACCOUNT
step1
1. Ihanda ang mga kinakailangang impormasyon
Kung magpapadala ng pera diresto sa bank account, kinakailangang alam ng nagpapadala ang bank account details ng beneficiary o tatanggap ng pera.
step2
2. Sulatan at kumpletuhin ang Money Transfer Application Form
Mangyaring punan ang Money Transfer Application Form (MTAF) sa anumang branch ng Western Union. Maaari rin i-download ang MTAF mula sa Western Union website. Sa anumang transaksyon, kinakailangang ipakita ng kostumer ang (mga) katibayan ng pagkakakilanlan*2 gaya ng Residence Card at My Number*2 (para sa Japanese at foreign residents lamang).
step3
3. Bayaran ang transfer amount at money transfer fee*1
Payable lamang sa Japanese currency (¥) ang perang ipadadala (prinicipal amount) at money transfer fee*1 sa Western Union® Agent locations.
step4
4. Kunin ang detalye ng transaksyon at ang resibo
Kunin ang printout o detalye ng inyong transaksyon at resibo. Nakasulat sa printout ang Money Transfer Control Number (MTCN).
step5
5. Makipag-ugnayan sa iyong beneficiary / recipient
Kontakin ang tatanggap ng inyong ipinadalang pera at ibigay sa kanya ang mga detalye ng transaksyon kabilang na ang pangalan ng nagpadala, halaga ng ipinadala at anumang kinakailangang impormasyon gaya ng tungkol sa anong bansa ang pinagmulan ng money transfer. Huwag ipaalam ang mga detalye ng transaksyon sa ibang tao maliban sa iyong recipient lamang.
step6
6. Suriin ang status ng money transfer
Kumpirmahin sa iyong recipient kung nakapasok ang perang ipinadala sa bank account. Upang makumpirma, kinakailangang tumungo at makipag-uganayan ng recipient sa bangko. Maaari rin makita ang status ng iyong money transfer gamit ang MTCN mula sa Western Union® website.
step7
7. Pagtanggap ng recipient sa bank account
Ang perang ipinadala sa bank account ng recipient sa Pilipinas ay matatanggap sa loob lamang ng ilang minuto.
Mga tinatanggap na Identification Document
Japanese Nationals
Alinmang valid ID na nakasulat sa baba nito ay tinatanggap:
(A)Japanese Driver’s License
(B)Passport (kinakailangang nakasulat dito ang kumpletong address at walang bura o sulat ng ballpen, fountain pen, etc.
(C)Health Insurance Card / Hokensho (Maliban sa iba pang ID, mainam na ipakita rin ang inyong Hokensho)
(D)Basic Resident Registration Card with photo (Juki Card with photo)